Cagayan de Oro City – Matagumpay na naisagawa ang Bloodletting Activity ng mga tauhan ng Police Regional Office 10 sa Camp Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-21 ng Hunyo 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10.
Katuwang sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng Northern Mindanao Medical Center sa pangunguna ni Dr. Jose C Chan, Medical Center Chief II ng NMMC.
Sa kabuuan ay nasa 105 miyembro ng Northern Mindanao PNP ang nakilahok sa programa.
Ang aktibidad na ito ay may layunin na tiyakin ang sapat na suplay ng dugo at makapagbigay ng serbisyo sa mamamayan, upang makatulong at makapamahagi ng libreng dugo lalong lalo na sa mga pasyenteng may malalang karamdaman.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10