Bayombong, Nueva Vizcaya – Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Nueva Vizcaya PNP sa Maringal Clinic, Camp Dumlao, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Hunyo 21, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni Police Colonel Ranser A Evasco, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office kasama ang Police Community Affairs & Development Unit, Blood Bank Section, Region 2 Trauma and Medical Center na may temang “Give Blood, Save Life”.
Dumaan sa iba’t ibang screening ang mga donors upang masiguro ang kanilang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng malilikom na dugo.
Layunin nitong tiyakin ang sapat na suplay at kalinisan ng dugo na ipapamahagi sa mga pasyenteng nangangailangan upang madugtungan ang kanilang buhay.
Source: Nueva Vizcaya PPO
###
Panulat ni Police Senior Master Seargent Marisol A Bonifacio