Sta. Cruz, Laguna – Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Laguna Police Provincial Office na may temang “Dugo Ko, Sagip Buhay Mo” at “Dugong Mason Pagmamahal ang Aming Tugon’’ sa Covered Court, Camp BGen Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan, Sta. Cruz, Laguna nito lamang Sabado, Hulyo 30, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Laguna Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Mellisa Malayo, Chief, Police Community Affairs and Development Unit-Laguna, katuwang ang Sierra Madre Masonic Lodge 181 F & AM sa ilalim ni Worship Master Judge Allan S Hilbero, Philippine Red Cross Siniloan Chapter, Police Lieutenant Colonel Owen Banaag, Officer-In-Charge, Regional Police Community Affairs and Development Unit-4A.
Dumalo at nakiisa rin ang Advocacy Support Groups, Force Multipliers at Officers’ Ladies Club.
Tinatayang 61 katao ang boluntaryong nakilahok sa naturang aktibidad na may layunin na matugunan ang kakulangan sa suplay ng dugo sa lokalidad para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang pagsalin ng dugo.
Panulat ni Police Corporal Ronel Pabo