Matagumpay na naisagawa ang bloodletting activity ng Antipolo PNP sa Dolores Gym, Taytay, Rizal nitong Linggo, Mayo 15, 2022.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Acting Chief of Police ng Antipolo City Police Station sa inisyatibo ng Taytay United Fraternity.
Tinatayang 19 PNP personnel at 108 na residente ng Rizal ang boluntaryong nagbahagi ng dugo.
Ang PNP ay patuloy na makikiisa sa ganitong aktibidad upang makatulong sa mga may sakit at maipakita ang malasakit sa mamamayan.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon