Antique – Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang San Jose de Buenavista Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Benjo E Clarite, Officer-in-Charge sa pakikipagtulungan ng Rural Health Unit ng San Jose de Buenavista sa Robinsons Place, Antique nito lamang ika-3 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad na ito ay nilahukan din ng Alpha Kappa Rho (AKRHO), Association of MBAs (AMBA), Civilian Police Community Action Patrol (CPCAP), DPWH, BJMP, BFP at iba pang mga ahensya ng Gobyerno.
Ang lahat ng nakilahok ay dumaan sa iba’t ibang screening upang masiguro ang kanilang kaligtasan at pati ang mga benepisyaryo ng nalikom na dugo.
Naging tema ng aktibidad ang “Dugo Mo, Kadugtong ng Buhay Ko” na naglalayong makalikom, makatulong at makapagbahagi ng libreng dugo sa mga pasyenteng may malalang karamdaman at nangangailangan ng dugo upang madugtungan ang kanilang buhay at maibsan ang alalahanin ng kanilang mga pamilya.
Ito ay alinsunod sa 27th PCR Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayap, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ang Pambansang Pulisya ay magpapatuloy sa pagsasagawa ng mga kaparehong aktibidad upang makapagpaabot ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng dugo.
###