Matagumpay na isinagawa ang Bloodletting Activity at Signing of Memorandum of Understanding (MOU) sa Camp BGen Pantaleon nito lamang ika-30 ng Nobyembre 2024.
Ang Bloodletting Activity na may temang “Dugo ng Buhay, Magilas na Alay, sa Kaligtasan ng Sambayanan” at Paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Cavite PPO at Philippine Red Cross na kinakatawan ni Mrs. Adelina B Castillo, Chapter Administrator, Redcross, Cavite Garcia, Lungsod ng Imus, Cavite.
Ito ay nilahukan ng tinatayang 220 PNP personnel ng Cavite PPO, force multipliers at Criminology Students.
Layunin ng aktibidad ang patuloy na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at pulisya sa paglilingkod sa mga mamamayan bilang pagpapakita ng kanilang pagmamalasakit sa kapwa.
Source: Cavite PPO-PIO