Cebu City, Cebu – Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, maayos na isinagawa ang bloodletting activity sa Plaza Sugbu, Cebu City noong ika-12 ng Hunyo 2022.
Â
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga kawani ng AFP at ng PNP sa katauhan ni Police Brigadier General Roade Tombaga, DIPO-Visayas at Police Colonel Ernesto Salvador Tagle, City Director, Cebu City Police Office.
Â
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng mga nakatakdang gawain sa paggunita ng araw ng kalayaan sa naturang lugar.
Â
Nasa 37 personnel mula sa CCPO ang nakiisa sa naturang aktibidad at boluntaryong nag-donate ng kanilang dugo.
Â
Maliban sa blood letting activity ay nagsagawa rin ng libreng legal na consultation at notaryo na serbisyo mula sa limang abogado na dumalo sa espesyal na okasyon.
Â
Tunay na ang patuloy na paggunita ng mga makasaysayang pangyayari sa ating bayan ay muling nagiging daan upang maipakita at maiparamdam ang diwa ng ating pagiging makatao at makabayan.
###