Southern Police District — Nagsagawa ng Bloodletting activity at Community Outreach Program ang Southern Police District kasama ang Chinese General Hospital and Medical Center nito lamang Martes, April 19, 2020.
Ang mga naturang aktibidad ay ginanap sa SPD Multi-Purpose Hall, SPD Lawton Avenue., Fort Bonifacio, Taguig City na pinangunahan nina PCol Lambert Suerte, Force Commander, at Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson, OIC, District Community Affairs and Development Division.
Nasa 173 katao na kinabibilangan ng Advocacy Support Groups at Civilian Volunteers ang kabuuang bilang ng benepisyaryo sa libreng gupit, pagkain, at sa rug and noodle making.
Sila rin ay nabenepisyuhan ng libreng medical check-up and screening kung saan nakapag-avail din ang 119 personnel ng PNP.
Samantala, nakalikom naman ng 34,650 CC ng dugo sa bloodletting activity na galing sa 77 na qualified donor.
Galak at pasasalamat ang naramdaman ng mga lumahok dahil sa natanggap nilang serbisyo at natutunan sa livelihood program na siya namang pinakalayunin ng SPD — ang makatulong at makapaghatid ng serbisyo.
Source: DCADD, SPD
###
Panulat ni PCpl Jhoanna Marie C Najera