PRO 12 Grandstand, Tambler, General Santos City – Nagsagawa ng blessing at turn-over ng mga bagong sasakyan ang Police Regional Office 12 sa PRO 12 Grandstand, Tambler, General Santos City na ipinamahagi sa iba’t ibang police stations nitong Martes, Marso 1, 2022.
Ayon kay PBGen Alexander C Tagum, Regional Director, siyam na yunit ng patrol jeep at siyam na yunit ng motorsiklo ang itinurn-over sa PRO 12 police offices at station.
Ang nasabing mga patrol jeep ay inisyu sa PRO 12 ng National Headquarters na binili sa ilalim ng Capability Enhancement Program ng PNP.
Ayon pa kay PBGen Tagum, ang walong yunit ng mga patrol jeep ay ipinamahagi sa mga police stations sa ilalim ng General Santos City Police Office at isang yunit ang inisyu sa Tacurong City Police Station, samantala ang mga motorcycle units naman ay inisyu ng Local Government Unit ng Cotabato Province para sa 1st CPMFC, Cotabato Police Provincial Office.
Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni PBGen Tagum ang kanyang pasasalamat sa organisasyon sa pamumuno ni PNP Chief PGen Dionardo Carlos kasama ang Local Government Unit ng Cotabato sa pagbibigay ng mga sasakyan na magpapalakas sa operational at response capability ng kapulisan.
“Surely, this will enhance our effectivity in patrolling system. To the recipient of this units especially to the drivers, take care of this vehicles and treat it as if it is your own,” ani PBGen Tagum.
####
Panulat ni Patrolman Charnie A. Mandia
Salamat Godbless PNP