Maguindanao del Norte – Pinangunahan ni Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR, ang isinagawang Blessing at Turn-Over ng 19 Units Personnel Carrier (Mitsubishi Strada 4×4) at Internal Security Operation (ISO) Equipment na ginanap sa PRO BAR Grandstand, Camp Brigadier General Salipada Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-9 ng Nobyembre 2023.

Ipapamahagi ang mga ito sa 1403rd Regional Mobile Force Company, RMFB14, Wao Municipal Police Station ng Lanao del Sur Police Provincial Office, 6 units sa Maguindanao del Norte PPO, at 11 units naman sa Maguindanao del Sur PPO habang ang 145 undershirt vests, 47 enhanced combat helmets, at 47 tactical ay ipapamahagi sa mga high-risk police stations ng PRO BAR.

Dumalo din sa naturang aktibidad ang mga Hepe ng mga Police Station at Municipal Local Chief Executives ng Wao, Barira, Buluan, Datu Anggal Midtimbang, Datu Blah Sinsuat, Datu Hoffer Ampatuan, Datu Paglas, Datu Saudi, Datu Unsay, Datu Odin Sinsuat, Guindulungan, Mangudadatu, Montawal, Northern Kabuntalan, Paglat, Rajah Buayan, Sultan Mastura, at Talitay.

Ayon kay PBGen Nobleza, ang pagkakaroon ng mga bagong kagamitan ay makatutulong upang mas lalo pang mapaigting at mas maging epektibo ang pagseserbisyo ng PRO BAR.
Nagpaabot din ito ng pasasalamat sa mga lokal na pamahalaan para sa kanilang pakikipagtulungan at suporta sa pagsisikap na mapaunlad ang patuloy na kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz