Isinagawa ng Agusan del Sur PNP ang Blessing at Turnover Ceremony ng kauna-unahang Media Center na ginanap sa Purok 3B, Barangay 1, San Francisco, Agusan del Sur bandang 8:30 ng umaga nito lamang Hunyo 14, 2024.

Ang aktibidad ay aktibong dinaluhan ni Police Colonel Yahya Bustamante Yusup, Provincial Director ng Agusan del Sur Police Provincial Office, katuwang si Pastor Mix Oraiz na nagdaos ng pagbasbas sa nasabing imprastraktura.
Nagbigay din ng mga mensahe ang mga lokal na pinuno ng bayan na sina Hon. Arth Ryan Palabrica, Vice Mayor Hon. Vinz Rufila, Hon. Jhong Cadiz na parehong SB Member, Ms. Reygela Decalit, PMFI Executive Director at si PCol Yusup.

“Ang pagkakaroon ng kauna-unahang media center dito sa lalawigan na inilunsad dito sa lungsod ng San Francisco ay isang inspirasyon para sa ating mga pulis na palakasin ang pagpapatupad ng ating sinumpaang tungkulin at upang maitampok dito sa inyong istasyon para makilala ng komunidad na puspusan ang pagsasagawa ng aming operasyon upang lalo nating mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Agusan del Sur”, saad ni PCol Yusup.
Panulat ni Patrolwoman Karen A Mallillin