San Juan, Siquijor – Nagsagawa ng Blessing and Turn-over Ceremony ng “Balay Mo, Gasa Ko Project” ang mga tauhan ng San Juan Police Station sa Brgy. Timbaon, San Juan, Siquijor nito lamang Biyernes, Hulyo 8, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Acting Chief of Police ng San Juan Police Station na si Police Lieutenant Benjamin J Fuentes Jr., na siyang pormal na dinaluhan ni Provincial Director, Police Colonel Robert Lingbawan.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Lyndon B. Zerna, ang pagbebendisyon ng bahay na dinaluhan din nina Ms. Phoebe Lace Lingbawan, Police Lieutenant Colonel Abdulnasser Dilmaporo, Municipal Mayor Hon. Wilfredo Capundag Jr., Vice-Mayor Hon. Rubilyn Ragay, Sponsors/Stakeholders at Advocacy Support Group.
Ayon kay Police Lieutenant Fuentes, sa naturang programa ay opisyal na tinanggap ng recipient ng “Balay Mo, Gasa Ko Project” na si Tatay Victoriano Looc ang kanyang bahay.
Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat si Tatay Victoriano at kanyang pamilya sa mga pagsisikap, tulong na ginawa at ipinagkaloob ng kapulisan ng San Juan Police Station.
Hangad ng ating pamahalaan sa tulong ng San Juan PNP na maghatid ng tulong at ginhawa sa bawat mamamayan lalong lalo na sa mga residente na naninirahan sa liblib na lugar ng Siquijor.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul