Siquijor – Pormal nang nabasbasan at naiturn-over ang “Balay Mo, Gasa Ko Project” ng mga tauhan ng Maria Police Station sa Brgy. Saguing, Maria, Siquijor nito lamang Enero 31, 2023.
Ito ay binigyang katuparan ni Police Captain Renette Joy Jumuad, Acting Chief of Police ng Maria Police Station, na siyang dinaluhan nina Police Colonel Robert Lingbawan, Provincial Director ng Siquijor PPO, Police Lieutenant Colonel Timothy Aniway Jr, DPDO/Chief PPCADU, Ms. Candelaria Aninipo, Municipal Advisory Group (MAG) Chairperson.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Jerry Flores ang pagbebendisyon ng bahay na dinaluhan din nina Hon. Ronald Guy Magpiong, Chairman on Peace and Order Committee, Hon. Doreen B Roche, Maria LGU, Sponsors/Stakeholders, Advocacy Support Group at Barangay Captain ng Barangay Pag-iipon.
Sa naturang programa ay opisyal na tinanggap ng recipient ng “Balay Mo, Gasa Ko Project” na si Tatay Pablito Moste at ng kanyang kabiyak ang kanilang bagong bahay na handog ng Maria Police Station.
Kagalakan ang naging bakas sa mga mukha nina Nanay at Tatay Pablito sa hindi matatawarang pagganap at pagbibigay kasiyahan ng Maria PNP maging ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa hatid na malasakit at serbisyong publiko para sa mga residenteng kanilang nasasakupan.