Cagayan de Oro City – Nagsagawa ng Blessing at Turn-over Ceremony ang Police Regional Office 10 para sa 24 na bagong units ng mga sasakyan sa Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-20 ng Disyembre 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni Police Brigadier General Ricardo Layug Jr, Regional Director, Police Regional Office 10 kasama ang mga Regional Staff.

Bilang tampok ng seremonya ay binasbasan ni Police Lieutenant Colonel Teddy David, Regional Pastoral Officer 10, ang 24 units ng 4×2 Toyota Hilux.
Ang mga naturang patrol vehicles ay galing sa Directorate for Logistics at ibinigay sa iba’t ibang Police Station sa Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Camiguin Police Provincial Office.
Magagamit din ito sa mas mabilis na pagresponde ng pulisya at mapalakas ang police visibility sa mga lansangan.
Ito ay isa lamang sa mga patunay na ang Police Regional Office 10 ay patuloy na pinalalakas ang serbisyo publiko upang sama-samang makamit ang kapayapaan at katahimikan sa buong rehiyon.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris