Panibagong kaalaman na naman ang ibinahagi ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit ng NCR (RPCADU-NCR) sa kanilang isinagawang Bisita Eskwela sa mga mag-aaral ng Don Bosco Technical College sa Mandaluyong City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 15, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Marlon Banania, Deputy, RPCADU NCR bilang tagapagsalita sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Randy Alagao, OIC, RPCADU NCR.

Nilahukan ito ng mahigit 120 na mga estudyante ng paaralan kasama ang kanilang mga guro na aktibong lumahok sa talakayan.
Tinalakay dito ang tungkol sa Anti-Bullying at Anti illegal Drugs kung saan inisa-isa ang mga masasamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga.

Nagbahagi din ng isang intermission dance number ang PNP Dance Team sa mga dumalo sa nasabing programa.
Nagpapasalamat naman ang mga guro dahil napaunlakan ng ating kapulisan ang kanilang paaralan bilang isang inspirasyon sa kanilang mga mag-aaral na mag-aral ng mabuti para sa isang magandang hinaharap.
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos