General Santos City – Nakilahok ang buong miyembro ng Police Regional Office 12 sa paglulunsad ng Bisikleta Iglesia sa iba’t-ibang panig ng Rehiyon 12 nito lamang ika-6 ng Abril 2023.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg ang aktibidad sa Oval Plasa Center Stage, General Santos City.
Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa iba’t ibang simbahan at pook-pasyalan bilang bahagi ng pinaigting na security coverage kaugnay sa pagdiriwang ng Semana Santa.
Ang aktibidad ay naaayon sa CPNP Peace and Security Framework na Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran o MKK=K.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia/RPCADU12