Nagpakita ng tunay na malasakit at hindi natitinag na dedikasyon ang mga tauhan ng 150 2nd Maneuver Company ng Regional Mobile force Company kasama ang Buguias Municipal Police Station na nagbigay ng tulong sa isang miyembro ng pamilya ng dating rebelde sa Sitio Mansoyosoy, Barangay Catlubong, Buguias, Benguet noong ika-17 ng Mayo 2024.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng aktibong pamumuno ni PCol Ruel D Tagel, RMFB15 Force Commander, kasama ang kanilang mga mapagbigay na donor at stakeholders kabilang ang C&T Builders Inc., JMLA Meat Trading, JVP Construction, INKorporate Office Solutions Company, Mapitagan South Elite Eagle’s Club, JKLY Computer Trading, Southlink Gasline Installation Services, JASSY Electromechanical Services, Ms. Analysa Lapuz, at Mr. Michael Jay Costes.

Ayon sa RMFB 15, binisita nila ang kanilang benepisyaryo, na kasalukuyang humaharap sa maraming hamon tulad ng Global Development delay, cerebral palsy, at clubfoot, upang personal na ihatid ang kanilang mga regalo na binubuo ng isang wheelchair at mahahalagang groceries.
Gayundin, ang inisyatibong ito ay bahagi ng proyektong “Binnadang Kordilyera” sa ilalim ng programang “Panag-aywan iti Kailyan” na naglalayong mapalago ang pang-ekonomiya at panlipunang progreso, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang stakeholder at iba pang ahensya ng gobyerno, upang maisulong ang isang masagana, inklusibo, at matatag na lipunan.
Panulat ni Patrolwoman Myra Beran