Saturday, September 21, 2024

Binatilyong muntik nang malunod, nasagip ng PNP

Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 1501st Maneuver Company ang isang binatilyong muntik nang malunod sa kasagsagan ng pananalasa ng habagat at Bagyong Carina sa Cosili Bridge, Bangued, Abra noong Hulyo 25, 2024.

Nangyari ang insidente matapos matangay ng malakas na agos ang binatilyo na residente ng Bacsil, Anggad, Bangued, Abra habang naliligo kasama ang mga kaibigan sa gitna ng baha.

Ayon kay Police Colonel Ruel D. Tagel, Force Commander, RMFB 15, nakatanggap ng tawag hinggil sa insidente kaya naman agad na rumesponde ang Regional Mobile Force Battalion 15, kasama ang Bureau of Fire Protection-Bangued at mga residente ng nabanggit na lugar.

Nasa maayos na kalagayan at agad na naibalik sa kanyang mga magulang ang naturang binatilyo.

Ang PNP katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan ay patuloy na gagampanan ang katungkulan at patuloy na pagsilbihan at pangalagaan ang mga mamamayan at pamayanan na kanilang nasasakupan lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles