Tuesday, November 26, 2024

Binatilyo timbog ng Caloocan PNP; Php120K halaga ng marijuana nasamsam

Caloocan City — Isang binatilyo ang nadakip matapos marekober sa kanya ang Php120,000 halaga ng marijuana habang nagsasagawa ng police visibility ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station nito lamang Martes, Mayo 23, 2023.

Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr, District Director ng Northern Police District, ang suspek na si Lenz Cyber, 18, construction worker, at residente ng Phase 4, Barangay 176, Caloocan City.

Ayon kay PBGen Peñones Jr, nagsasagawa diumano ng foot patrol ang mga tauhan ng Sub-station 10 ng Caloocan CPS nang makasalubong nila ang suspek habang naninigarilyo sa pampublikong lugar na malinaw na paglabag sa City Ordinance No. 0647 S. 2016.

Nang lapitan ng mga pulis ang suspek at humingi ng kanyang identification card para sa pag-iisyu ng OVR, tinulak niya ang mga arresting officer at tumakas.

Matapos ang maikling habulan, matagumpay na naaresto ang suspek bandang 11:50 ng gabi sa kahabaan ng Parkland, Barangay 177, Camarin, Caloocan City.

Nasamsam sa suspek ang isang ladrilyo na pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa transparent plastic sachet na may tinatayang bigat na 1 kilo at may Standard Drug Price (SDP) na Php120,000; at isang kulay gray na eco bag.

Kakaharapin ng suspek ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri ni PMGen Edgar Alan Okubo, RD, NCRPO, ang Caloocan City Police Station dahil sa 24/7 na pagpapatrolya ng mga tauhan nito na siyang malaking bagay upang mahuli at mabawasan ang krimen sa Metro Manila.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles