Thursday, May 15, 2025

Binatilyo tiklo sa halos Php13.6 milyon na shabu sa Cebu City

Sa kulungan na ipinagdiwang ng 18-anyos na binatilyo ang pasko makaraang maaresto at makumpiskahan ng tinatayang nasa Php13.6 milyong halaga ng ilegal na droga sa buy-bust operation na inilatag ng kapulisan sa B Aranas St., Brgy. San Nicolas, Cebu City, noong Disyembre 24, 2023.

Sa operasyon na pinangunahan ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Jomar P Dela Cerna, ang suspek ay kinilalang si “AJ”, residente ng Sitio Lawis, Brgy. Suba, Cebu City, nadakip dakong alas-5:45 ng hapon matapos mapagbentahan ng droga ang police poseur buyer.

Kumpiskado mula sa suspek ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa 2 kilos na may Standard Drug Price na Php13,600,000, kasama sa narekober sa pag-iingat nito ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bahagi ang matagumpay na operasyon sa higit na pagpapaigting ng kapulisan ng rehiyon 7 sa kampanya kontra ilegal na droga at sa pagkamit ng hangaring tuluyang pagkakalansag nito.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles