Biliran – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Biliran Police Provincial Office na ginanap sa Borac Elementary School, Brgy. Borac Naval, Biliran nitong umaga ng Hunyo 17, 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Felix Gervacio, Jr., Provincial Director ng Biliran PPO, katuwang ang LGU Naval, Barangay Borac, Values Life Coaches, Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD), Eastern Visayas Eagles Region, Biliran Eagles District na may proyektong “Alay ni Agila”, PNP Legal Service, BFP, BJMP, TESDA, Philippine Army, at Biliran Rider’s Club.
Naihatid sa mga mag-aaral at residente ang serbisyong pamamahagi ng food packs, feeding Program, pamamahagi ng mga gamot, bitamina at mga tsinelas, pagbibigay ng serbisyo tulad ng manikyur, pedikyur, gupit, masahe, pagbabakuna laban sa rabies, legal aide at lecture on safety Tips.
Nagbigay din ng kasiyahan ang Biliran PPO Dancers at FTP Police Trainees sa kanilang handog na intermission number.
Layunin ng aktibidad na maipakita ang tunay na malasakit ng buong hanay ng Biliran PNP upang mas lalo pang pagtibayin ang relasyon nito sa ating komunidad tungo sa mas maayos at maunlad na mamamayan.