Matagumpay na isinagawa ang BIDA Validation na pinangunahan ni Police Lieutenant General Rhodel O Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration, na ginanap sa Hotel Andrea, Canciller Avenue, Cauayan City, Isabela noong ika-31 ng Marso 2023.
Mainit ang naging pagsalubong ni PRO2 Regional Director PBGen Percival A Rumbaoa kay PLtGen Sermonia at DILG Secretary Atty. Benjamin Abalos Jr. sa Cauayan City Airport kung saan doon lumapag ang sinakyang chopper mula sa Maynila.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng PRO2 Command Group, Regional Staff, mga Provincial at City Director, Chief of Police ng Cauayan CPS, BFP, BJMP at Forensic Unit ng naturang siyudad.
Naging tampok ang presentation ng Anti-Drug Operations Accomplishments na pinangunahan ni Police Colonel Jimmy N Garrido kung saan ipinakita ang improvement simula ng nagkaroon ng BIDA program.
Si Police Major Roel M Arzadon naman ay pinangunahan ang presentation ng Recovery Wellness program at Drug Clearing Accomplishments kung saan madiing ipinakita ang pagiging number 1 sa naturang accomplishment ng PRO2 noong Pebrero na ikinagalak ng lahat.
Pahayag naman ni PLtGen Sermonia na ipagpatuloy lang ang mga isinasagawang aktibidad at programang nabanggit upang mapagtagumpayan din ng iba pang lugar na hindi pa drug cleared.
Pagkatapos ng BIDA Validation ay dinaluhan din ni PLtGen Sermonia ang Launching ng Manang Biday Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan Yra yaw nga Babbay Y Mamolu bilang selebrasyon sa 2023 National Women’s Month kung saan ito ay ginanap sa Bamboo Hall, 3rd Floor, Cauayan City, Isabela.
Sa mga ipinakitang improvement tungkol sa pagsugpo sa ilegal na droga mula nagkaroon ng BIDA program, muling napatunayan ng kapulisan sa buong lambak ng Cagayan na isinasakatuparan ng maayos at isinasapuso ang pagtupad sa sinumpaang tungkulin kung saan hangad ng PNP na mapagtagumpayan ang kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Source: Isabela PPO, PIO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos