Aurora – Tuloy-tuloy na isinasagawa ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company ang BIDA o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” Program para sa mga mag-aaral ng Grade 9 ng Lual National High School, Brgy. Lual, Casiguran, Aurora nito lamang Biyernes, ika-12 ng Mayo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Cielo Caligtan, Force Commander ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company.
Nagbahagi ng kaalaman ang mga awtoridad sa mga aktibong estudyante patungkol sa Anti-Illegal Drug Awareness Campaign na kung saan tinalakay ang masamang epekto ng ilegal na droga sa katawan at mga karampatang parusa sa mga gagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang BIDA ay programa ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naglalayong mapababa ang demand ng droga sa ating bansa.
Patuloy na maghahatid ng serbisyo ang Aurora PNP at makikipag-ugnayan sa mga mamamayan lalo na sa kabataan na makiisa sa programa ng pamahalaan tungo sa maunlad na pamumuhay.
Source: Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3