Isabela – Nagsagawa ng symposium ang Benito Soliven PNP sa pamumuno ni Police Major Rufo Figarola Jr na ginanap sa Benito Soliven Central School, Isabela noong ika-26 ng Abril 2023.
Pinangunahan ang aktibidad ni PEMS Joselito L Bulan (MESPO) sa isinagawang symposium kung saan tinalakay sa mga mag-aaral ang tungkol sa RA 7610 (Anti-Child Abuse law) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Samantala, nagbahagi din ng kaalaman si Dr. Jesusa Christina A. Legaspi (MHO- Benito Soliven) patungkol sa Adolescent Reproductive Health (ARH) at Mental Health Awareness, at kasunod din ng pagtalakay sa Wash in Schools ni Ma’am Pilar M. Ramirez RN.
Layunin ng aktibidad na lalong magabayan ang mga mag-aaral sa tamang landas at maprotektahan ang mga ito sa anumang uri ng pang-aabuso.
Source: Benito Soliven PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos