Nueva Vizcaya – Pinangunahaan ng kapulisan ng Bayombong ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN na inilunsad sa Brgy. Ipil-Cuneg Bayombong, Nueva Vizcaya, nito lamang ika-22 ng Pebrero 2023.
Kabilang sa mga dumalo ay ang Religious Sectors Group sa pangunguna ni Pastor Leopoldo V Camposa, Brgy. Health Workers at Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs), mga opisyales ng nasabing barangay.
Ang aktibidad ay pinangasiwaaan ni Police Major Jesus Ventura, Hepe ng Bayombong Police Station kasama ang mga tauhan nito.
Tinalakay sa aktibidad ang mga programa ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na mas lalong magpapalawig at magpapatibay ng kanilang adbokasiya na sumasang-ayon rin sa hangarin ng pamahalaan at kapulisan na magkaroon ng isang maunlad at mapayapang pamayanan para sa lahat ng mamamayan.
Layunin ng aktibidad na lalo pang pagyamanin ang maayos na ugnayan ng komunidad, kapulisan at religious sector tungo sa isang mapayapa, maunlad at maayos na lipunan.
Source: Bayombong Police Sation
Panulat ni PCpl Harry B Padua