Nueva Vizcaya – Pinangunahan ng PNP Bayombong ang pamimigay ng maagang aguinaldo sa kanilang PULISKolar na ginanap sa Brgy. Cabuaan, Bayombong, Nueva Vizcaya nitong ika-21 ng Disyembre taong kasalukuyan.
Sa pangangasiwa ni Police Major Jesus Ventura, Chief of Police ng Bayombong Police Station ay masayang tinanggap ng iskolar at kanyang magulang ang cash gift at munting aguinaldo na iginawad ng kapulisan.
Ipinaabot naman ng benepisyaryo na si Evan Jade Banig, 10 taong gulang, ang kanyang taos pusong pasasalamat sa tulong na rin ng mga tauhan ng Bayombong PS.
Layunin ng mga kapulisan ng Bayombong na tulungan ang mga batang mag-aaral na kapos sa pinansyal nang sa gayon makamit at ipagpatuloy ang kanilang mithiin sa buhay sa tulong at malasakit ng PNP.
Source: Bayombong PS
Panulat ni PCpl Harry B Padua