Davao City – Nagbayanihan ang mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay sa pagtatayo ng kubo ni Tatay Pablo Manunggaling sa Prk. 7-B, Brgy. Carmen, Baguio District, Davao City, nito lamang Linggo, Mayo 15, 2022.
Bilang kahilingan ng isang concerned citizen sa nasabing lugar na si Ginang Virginia Toong na mabigyan ng maayos at komportableng tirahan si Tatay Pablo.
Hindi naman binigo ng R-PSB Cluster 5 ang kahilingan ni Ginang Virginia sa pangunguna ni PLt Rizalito Clapiz III at sa pangangasiwa ni PLtCol Nolan Raquid, Chief, City Information and Communication Technology Management Unit/R-PSB Over-all Coordinator.
Lubos naman ang pasasalamat ni Tatay Pablo sa ibinigay na tulong ng mga tauhan ng R-PSB Cluster 5 dahil sa wakas ay magkakaroon na siya ng sarili niyang tirahan.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong magbigay ng magandang tirahan at matiyak ang kaginhawaan ni Tatay Pablo at bilang bahagi na rin ng Executive Order No. 70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa bansa.
###
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann Delmita