Muling ipinakita ang diwa ng paglilingkod sa komunidad ng 4th Maneuver Platoon, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company sa pamamagitan ng pagtulong sa pagpapatayo ng bahay ng isang Pastoral House para sa AGIMI Church sa Barangay Tiblac, Ambaguio, Nueva Vizcaya nitong ika-1 ng Agusto 2024.

Pinangunahan ito ni Police Chief Master Sergeant Emmanuel R. Cadiente, Platoon Senior PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Virgo G. Simon, Platoon Leader, kasama ang mga tauhan ng 2nd Maneuver Platoon 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force company katuwang ang mga residente ng nasabing lugar.
Ang ganitong uri ng bolunterismo ay patunay ng dedikasyon ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kanilang serbisyo at pagnanais na mapabuti ang buhay ng kanilang nasasakupan. Ito ay isang malasakit na naglalayong hubugin ang mas maunlad at matibay na kinabukasan para sa lahat.

Ang patuloy na pagtulong at pakikipag-ugnayan ng kapulisan ay nagbibigay ng pag-asa para sa komunidad. Ang kanilang walang sawang pagsusumikap at malasakit ay tunay na nakakataba ng puso at nagbibigay ng inspirasyon sa bawat isa.
Source: Nvpmfc ppo
Panulat ni Pat Wendy G Rumbaoa