Saturday, May 24, 2025

Bayani sa tungkulin: pulis sinaksak sa gulo sa ParaƱaque City

Matapang na pulis mula sa Southern Police District ang malubhang nasugatan matapos salakayin ng kutsilyo habang tinutugunan ang isang insidente ng kaguluhan sa Barangay San Antonio, ParaƱaque City, bandang alas-10:45 ng umaga, nito lamang Biyernes, Mayo 23, 2025.

Kinilala ang nasugatang opisyal na si Police Staff Sergeant Carlo Sotelo Navarro, 45 taong gulang, at nakatalaga sa BF Homes Police Substation 5 (SS-5). Kasama niya sa operasyon si PSSg Maret at ilang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng Barangay San Antonio.

Tumugon ang SS-5 matapos makatanggap ng ulat mula sa isang residente ukol sa isang lalaking nagwawala sa Creek Drive 1, Valley 8. Pagdating sa lugar, naabutan nila ang suspek na kinilalang si alias ā€œArnoldā€, residente ng Creek Drive 2, na nagpapakita ng labis na agresibong asal.

Habang pinapakalma at pinipigil ng mga operatiba ang suspek, bigla itong bumunot ng kutsilyo at brutal na sinaksak si PSSg Navarro sa ulo at dibdib. Sa kabila ng insidente, agad na naaresto ang suspek sa tulong ng kanyang mga kasamahan at mga BPATs, habang isinugod naman si PSSg Navarro sa pinakamalapit na pagamutan at patuloy na inoobserbahan sa intensive care.

Ang insidente ay iniimbestigahan na ng Investigation and Detective Management Section (IDMS), at isinampa na ang mga kaukulang kaso laban sa suspek.

Nagpahayag naman ng papuri at paghanga si PBGen Joseph R. Arguelles sa kabayanihan ng nasabing pulis, aniya:

ā€œIsang huwarang halimbawa ng katapangan at sakripisyo si PSSg Navarro. Hindi siya nagdalawang-isip na isugal ang kanyang buhay alang-alang sa kapayapaan at kaligtasan ng ating komunidad. Ang kanyang kagitingan ay dapat tularan at hangaan.ā€

Tiniyak ng Southern Police District ang kanilang buong suporta kay PSSg Navarro at sa kanyang pamilya, at tiniyak din ang tuluyang pag-usig sa kasong kinakaharap ng suspek.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,580SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles