Idineklara bilang bilang kauna-unahang “insurgency-free” ang bayan ng Solana sa buong probinsya ng Cagayan nito lamang ika-2 ng Disyembre, 2024.
Ang deklarasyong ito ay isang mahalagang tagumpay para sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad. Itinuturing itong bunga ng pagkakaisa ng lokal na pamahalaan, kapulisan, kasundaluhan, at mga mamamayan sa pagtugon sa hamon ng insurhensiya. Para sa mga residente, ito ay isang simbolo ng kanilang matagumpay na pagtutulungan.
Ayon kay Provincial Director PCol Mardito G. Anguluan, na ipinaabot ni PLtCol Ramil Alipio, Deputy Provincial Director for Administration, ‘’Ang tagumpay na ito ay resulta ng maayos na koordinasyon at suporta ng iba’t ibang sektor. Sa tulong ng makabagong estratehiya at sama-samang aksyon, naitatag ang Solana bilang huwaran ng isang ligtas at maunlad na bayan. “
Ito ay patunay ng tagumpay ng kampanya laban sa insurhensiya at nagsisilbing inspirasyon sa iba pang lugar. Patuloy ang pambansang pulisya at iba pang sangay ng pamahalaan sa pagbabantay upang masiguro ang pangmatagalang kapayapaan para sa bayan.
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo