Kaakibat ng pagdiriwang ng Semana Santa ngayong taon ay maigting na pinatupad ng Bataraza PNP ang pagsisigurado ng katahimikan at kaayusan sa mga byahero ng pantalan ng Barangay Buliluyan, Bataraza, Palawan nito lamang ika-14 ng Abril 2025.
Ang pagpapanatili ng seguridad ng mga kapulisan ay naisakatuparan katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ng naturang lugar.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng kapulisan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga residente at turista upang mapanatili ang pampublikong kaayusan sa panahon ng Lenten Season at maging ligtas sa darating sa summer vacation sa lalawigan.
Source: Bataraza MPS