Bongabong, Oriental Mindoro – Sinagip ng mga tauhan ng Special Action Force, 10th Special Action Battalion ang isang bata na nalunod sa Public Resort sa Bongabong, Oriental Mindoro nito lamang Linggo, Hulyo 3, 2022.
Ayon sa report, maputla na at wala ng malay ang limang taong gulang na bata nung iahon ito sa swimming pool sa isang Public Resort.
Na-alerto ang mga miyembro ng PNP-SAF 10SAB, 1003rd Special Action Company na kasalukuyang ginaganap ang kanilang Team building sa nasabing Public Resort, na kaagad na nirespondehan nila Police Corporal Kurt Escalante at Police Corporal Kevin Aguirre, parehas na may Trained Combat Medics ang batang nalunod na halos limang minuto nang walang malay upang bigyan ng paunang lunas na siyang dahilan upang maligtas ito sa tiyak na kamatayan bago pa ito dalhin sa pinakamalapit na ospital.
Matapos ang matagumpay na pagbibigay ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) ay nagkaroon nang malay ang bata at agaran namang sinugod sa pinakamalapit na ospital upang masuri ang kalagayan at mabigyan ng nararapat na lunas.
Abot langit naman ang pasasalamat ng mga kamag-anak ng bata dahil sa mabilis na pagtugon ng ating kapulisan ng Special Action Force sa nasabing insidente.
Ang PNP ay laging handang tumulong sa ating mamamayan sa abot ng kanilang makakaya upang makapag-abot ng pangunahing serbisyo sa mga nangangailangan.
Source: TenOthirdsac Lynx
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus