Friday, November 22, 2024

Batang may leukemia, natupad ang pangarap maging pulis

Camp Crame, Quezon City (01 December 2021) – Nagmistulang ‘Santa Claus’ si Police General Dionardo B. Carlos dahil sa pagtupad sa pangarap na maging pulis ang isang labing-isang taong gulang na bata na may acute lymphocytic leukemia.

Ito ay matapos isabay sa taunang pagpapailaw ng mga Christmas lantern at Christmas light sa Kampo Crame ang programang “A Cop for a Day” na may layuning tuparin ang pangarap na maging pulis sa loob ng isang araw, lalo na sa mga batang may malubhang karamdaman. Nabuo ang programang “A Cop for a Day” dahil sa isang balitang nabasa ni PGen Carlos na noo’y Chief of the Directorial Staff. Sa nasabing balita, tampok si Christian Laurente Memoria na nakikipagbuno sa sakit na leukemia ngunit hindi naman natitinag ang pangarap at determinasyong maging pulis. Dahil naantig sa kwento ni Christian, agad ipinag-utos ni Chief, PNP na tuparin ang pangarap na maging Pulis.

Kaya naman nitong unang araw ng Disyembre, sa isang simpleng seremonya na sinagawa sa PNP Museum, isinakatuparan ang pangarap na maging pulis ni Christian na nagbihis pulis at may ranggong Police Lieutenant. Sa nasabing programa, niregaluhan si Christian ng isang tablet at scholarship grant ni Mr. Imad Amar, miyembro ng Foreign National Keepers Network.

Pagkatapos ng isang simpleng programa sa PNP, Museum, itinampok naman si Christian bilang espesyal na bisita sa Ceremonial Lighting sa harap ng PNP National Headquarters. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng ama ng Pambansang Pulisya na hindi maitago ang galak pagkakita kay Christian.

Ikinatuwa ni PGen Carlos ang katapangan at katatagan ni Christian na hindi natitinag sa kabila ng malubhang karamdaman. Binigyan ni Chief, PNP si Christian ng regalo kasabay ng paalalang ipagpatuloy pa nito ang determinasyong makatapos ng pag-aaral at tuparin ang kanyang pangarap na maging pulis.

Lubos naman ang pasasalamat ni Christian at ng kanyang ina sa pambansang pulisya sa pamumuno ni PGen Carlos at kay Mr. Imad Amar sa maagang regalong kanilang natanggap. Si Amar is Lebanese at kasalukuyang Vice President ng Foreign National Keepers Network na walang sawang tumutulong sa ating mga kababayan. ###

###

Panulat ni: Police Corporal Alona Faith L Edas

5 COMMENTS

Comments are closed.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles