Sto. Tomas, Davao del Norte (February 3, 2022) – Nabigyan ng panibagong pag-asa at ngiti ang tatlong (3) taong gulang na si Lea Mae Tampos Tanjay, isang batang may cleft lip na residente ng Purok 4 Kauswagan, Bobongon, Santo Tomas, Davao del Norte, matapos matagumpay na naisagawa ang operasyon nitong Cleft Lip Reconstruction sa ilalim ng programang Operation “Ngiting R-PSB” ng Revitalized-Pulis sa Barangay katuwang ang mga tauhan ng Camp Sgt. Quintin M. Merecido Hospital, nito lamang Pebrero 3, 2022.
Si Lea Mae ay isa lamang sa mga naging benepisyaryo ng nasabing programa na patuloy na isasagawa ng pamunuan ng PRO 11 para sa mas maraming katutubong matulungan.
Sinundo at inihatid ng mga tauhan ng R-PSB sa pangunguna ni PCpt Edevene Quintero ang batang si Lea kasama ang ama nito na si Ginoong Tanjay upang masiguro ang kaligtasan nila kung saan isinagawa ang nasabing operasyon sa PNP PRO11 Camp Sgt Quintin M Merecido Hospital, Buhangin, Davao City.
Ang Operation “Ngiting R-PSB” Oplan Ngiti Para sa Kalinaw og Maayong Kaogmaon ay isang programa ng PRO 11 R-PSB upang tulungan ang ating mga IPs lalo na ang mga nakatira sa malalayong barangay na may cleft lips para mamuhay ng normal, mapayapa at magkaroon ng mas magandang kinabukasan na may kumpiyansa para sa kanilang mga sarili.
Panulat ni Patrolwoman Rose Ann M Delmita, RPCADU 11
May puso at malasakit yan ang mga pulisya natin