Palawan – Nagsagawa ng Basic Self Defense (Disarming Techniques) ang mga tauhan ng Roxas Municipal Police Station sa mga kabataan ng Brgy. Abaroan, Roxas, Palawan noong ika-19 ng Setyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Richard Patino, Assistant PCR PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Jefferson Terbio, Officer-In-Charge ng Roxas MPS.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa hindi lamang sa pagtuturo ng self defense kundi para matulungan din silang makaiwas sa mga ilegal na aktibidad partikular na sa ilegal na droga at terorismo.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus