Nakumpiska ang isang baril at mahigiot Php80,000 halaga ng shabu mula sa isang indibidwal nang magsagawa ng roving ang Cebu City PNP sa Sitio Camagong, Barangay Lahug, Cebu City nitong Marso 23, 2025.
Kinilala ni Police Major Romeo Durano Caacoy Jr., Station Commander ng Police Station 4, Cebu City Police Office, ang suspek na si Wilfredo, 23-anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Bandang alas 2:40 ng madaling araw nang magsagawa ng roving ang mga kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakumpiska ng nasa 12 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php81,600, isang unit ng caliber 45 Caspian Pistol, dalawang (2) at sling bag.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” gayundin sa COMELEC Gun Ban na kasalukuyang umiiral.
Ang matagumpay na operasyon ng mga kapulisan ng Cebu City ay patunay lamang ng kanilang dedikasyon upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng ating komunidad para sa isang Bagong Pilipinas.