Nakumpiska sa isang h
High Value Individual na suspek ang baril at Php340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Bohol PNP sa Purok 3, Barangay Bayacabac, Maribojoc, Bohol, noong Oktubre 27, 2024.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Joemar S Pomarejos, Chief ng Provincial Intelligence Unit / Provincial Drug Enforcement Unit, Bohol Police Provincial Office, nahuli nila ang suspek na si alyas “Yapyok”, 42 anyos na residente ng Barangay Poblacion, Maribojoc, Bohol bandang 4:25 ng hapon.
Nakuha mula sa suspek ang walong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance, na hinihinalang ilegal na droga na may timbang na 50 gramo at may Standard Drug Price na Php340,000, buy-bust money, cellphone, black sling bag, isang caliber ng .22 revolver, at tatlong bala.
Mahaharap ang suapek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng pinagsanib-pwersa ng mga kapulisan ng PIU/PDEU, BPPO, Maribojoc Municipal Police Station, PDEGSOU7, at RUI7 PIT-Bohol.
Patunay lamang na patuloy ang pagsuporta ng Bohol PNP sa kampanya ng pamahalaan na labanan ang paglaganap ng ipagbabawal na gamot dahil sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng Pulis, ligtas ka!.
Source: BPPO SR