Iligan City – Nakumpiska ang baril at mga bala sa isinagawang Search Warrant Operation sa kasong paglabag sa RA 10591 ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 2 sa Zone Meteor, Lisha, Brgy. Suarez, Iligan City nito lamang ika-28 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Rorye Tabuclin, Officer-In-Charge ng Iligan City Police Station, ang suspek na si alyas “Michael”, 40, at residente ng naturang barangay.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang steel magazine pistol, tatlong Cal. 9mm live ammunitions, isang Cal 45mm live ammunition at isang black tumbler pouch.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Patuloy ang Iligan City PNP sa paghuli sa lumalabag sa batas upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10