Camarines Norte – Nakumpiska mula sa isang lalaki ang baril at mga bala sa ikinasang Search Warrant Operation ng pinagsamang mga operatiba ng Camarines Norte PNP sa Purok 9, Brgy. Alawihao, Daet, Camarines Norte nito lamang Abril 27, 2023.
Kinilala ni PLtCol Bon Billy Timuat, Hepe ng Daet Municipal Police Station, ang arestadong suspek na si Ponciano S. Macasero Jr., 60, biyudo, minero at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PLtCol Timuat, bandang 10:50 ng gabi ng isinagawa ang paghahain ng Search Warrant ng pinagsanib na mga operatiba ng CIDG Camarines Norte PFU, Daet MPS, Camarines Norte 1st at 2nd PMFC at RIU5-PIT Camarines Norte.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang (1) yunit ng Caliber .45 na may trademark 1911 A1 45 ACP na may Serial Number M1911 A1 US Army, isang (1) piraso ng magazine para sa Caliber .45, anim (6) na piraso ng live ammunition para sa Caliber .45 at uniforme ng AFP na may name plate na “Macasero”.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya ng Camarines Norte PNP kontra loose firearms upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa probinsya ng Camarines Norte.
Source: Daet MPS CNPPO