Sultan Kudarat – Arestado ang isang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ito ng ilang sachet ng hinihinalang shabu at baril sa ikinasang Search Warrant sa Purok 7, Brgy. Sagcungan, Pres. Roxas, Cotabato nito lamang Marso 19, 2023.
Kinilala ni Police Major Mautin Pangandigan, Hepe ng President Roxas Municipal Police Station, ang naarestong HVI na si alyas “Julius/Wing/Johny Cruz”, 42, may asawa, laborer (agricultural drone operator), at residente ng New Dumangas, Tiboli, South Cotabato.
Ayon kay PMaj Pangandigan, bandang 4:52 ng hapon nang sinalakay ng mga tauhan ng President Roxas MPS, Cotabato Police Provincial Office – Provincial Intelligence Unit, CPPO Drug Enforcement Unit, 1st Cotabato Provincial Mobile Force Company, 1203rd Regional Mobile Force Battalion at Regional Intelligence Unit 12.
Narekober ng mga operatiba ang tatlong piraso ng plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 0.081 gramo na nagkakahalaga ng Php1,500; isang yunit ng homemade Cal. 357 na may kasamang limang live ammunition at iba pang non-drug items.
Kaagad namang inaresto ang naturang suspek para sa kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Giit naman ni PMaj Pangandigan na patuloy ang kanilang himpilan sa pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang nasasakupan alinsunod sa programa ni CPNP’s peace and security framework na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran).
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12