Arestado ang dalawang suspek ng mga tauhan ng Pasay City Police Substation 5 (Baclaran) habang nagsagawa ng OPLAN Sita sa Barangay 148, Zone 16, Pasay City nito lamang Lunes, Hunyo 17, 2024.
Kinilala ni Police Colonel Samuel B Pabonita, Chief of Police ng Pasay CPS, ang dalawang suspek na sina alyas “Menmen”, 29 anyos at alyas “Jun”, 44 anyos.
Ayon kay PCol Pabonita, sakay ng motorsiklo ang dalawang suspek na walang helmet nang mamataan sila kung saan tinangka nilang iwasan ang inspeksyon ng pulisya sa pamamagitan ng pag-U-turn ngunit sa mabilis na pagresponde ay nadakip ang mga ito dakong 8:55 ng gabi.
Sa beripikasyon, narekober ng mga awtoridad ang isang single barrel pistol (Improvised) na kargado ng isang bala na nakuha kay alyas Jun at isang MK2 Fragmentation Grenade na natagpuan sa loob ng sling bag ni alyas “Menmen”.
Nahaharap naman ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at RA 9516 (Illegal Possession of Explosives).
Sinisigurado ng Pasay PNP na patuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga operasyon kontra sa anumang uri ng kriminalidad sa kanilang mga nasasakupan upang manatiling ligtas at tahimik ang kanilang pamayanan.
Source: Southern Police District-PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos