Nasamsam mula sa pag-iingat ng isang factory worker ang ilegal na baril at bala sa mismong tahanan nito sa Block 2, Purok 16, Barangay Fatima, General Santos City dakong 2:50 ng hapon nito lamang Sabado, Hulyo 13, 2024.
Kinilala ang nahuling suspek na si alyas “Al”, 23 anyos, may asawa, at residente ng naturang lugar.
Narekober mula sa suspek ang isang unit ng Cal. 38 na baril na may kasamang apat na bala at dalawang basyo.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek.
Samantala, patuloy ang buong hanay ng PNP sa kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bansa.