Cagayan de Oro City – Nasamsam ang ilegal na baril at mga bala sa ikinasang Search Warrant Operation ng mga tauhan ng Cagayan de Oro City PNP nito lamang ika-17 ng Agosto 2023 sa Zone 3, Barangay Dansolihan, Cagayan de Oro City.
Kinilala ni Police Major Dennis Rowell Flores, Station Commander ng Cagayan de Oro City Police Station 8, ang suspek na si alyas “Milvin”, 58 anyos at residente ng nasabing lugar.
Ayon kay PMaj Flores, bandang 7:48 ng umaga nang isagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Cagayan de Oro City Police Station 8 sa bisa ng Search Warrant na may SW No. 080223-662.
Sa naturang operasyon ay nakuha ang isang Cal. 45 na may serial no. 378125, isang improvise 12 Gauge Pistol, dalawang magazine ng Cal. 45 at anim na bala.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act.
Ang Cagayan de Oro City PNP ay laging nagpapaalala na isuko ang mga baril na walang kaukulang papel upang maiwasan na magkaroon ng kaso.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10