Iloilo City– Arestado ang isang barberong sangkot sa Sextortion sa entrapment operation ng PNP-CIDG sa Iloilo City nito lamang Martes, Abril 5, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Joseph Ian Lofranco, Regional Chief, CIDG Field Unit 6, ang naarestong suspek na si Francisco Dagonoy Boteja, lalake, 36, barbero, single, residente ng Brgy. Pamuringaw Proper, Cabatuan, Iloilo.
Ayon kay PCol Lofranco, humingi ng tulong ang complainant sa CIDG Iloilo City Field Unit hinggil sa umano’y sextortion na pinagbantaan siya ng kanyang dating nobyo na magpapakalat ng mga eskandalo nitong video at larawan kapalit ng pakikipagtalik. Humihingi din ng Php100,000 ang suspek. Nagbanta pa ito na papatayin kung hindi pagbibigyan ang kanyang mga kahilingan.
Ayon pa kay PCol Lofranco, naaresto ang suspek bandang 1:20 ng hapon sa Queens Court Drive Inn Motel, Brgy. Bolilao, Mandurriao, Iloilo City sa ikinasang entrapment operation ng mga operatiba ng CIDG Iloilo CFU 6 katuwang ang Mandurriao Police Station 5.
Nakumpiska mula kay Boteja ang dalawang pirasong Php500 bill, 24 na pirasong Php500 bill na nagkakahalaga ng Php12,000 bilang boodle money, isang unit ng black Oppo cellphone, dalawang valid ID (Philhealth at National ID).
Ang suspek ay nasa kustodiya ng CIDG Iloilo CFU 6 at sasampahan ng patong-patong na kasong Robbery Extortion, Grave Threat at Grave Coercion (Sextortion).
Lubos ang pasasalamat ng biktima sa PNP sa agarang aksyon na kanilang ginawa upang mahuli ang dati nitong nobyo.
###
Panulat ni Police Master Sergeant Leah Lyn Q Valero