Kaugnay pa rin ng programang BARANGAYanihan ng PNP at ng Provincial Director’s Triple Impact Strategy na patuloy na sinusuportahan ng kapulisan at mamamayan, ang mga tauhan ng Salcedo Municipal Police Station (MPS) at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) kasama ang isang grupo ng Advocacy Support Group ay nagsama-samang isinaayos ang isang nasirang riprap flood control sa Brgy. Balidbid, Salcedo, Ilocos Sur noong Oktubre 30, 2021.
Pinangunahan ni PLt Mark Bryan P Corpuz, Officer-In-Charge, Salcedo MPS kasama sina Miss Marry Ann DG Farol, Advocacy Support Group at mga tauhan ng 2nd PMFC ang pagkumpuni sa nasirang riprap dahil sa nakaraang bagyo. Sama-sama nila itong binungkal, nilinis at inayos ang naturang dike.
Layunin ng aktibidad na ito ang maisalba ang nasirang dike para sa proteksiyon at kaligtasan ng mga residenteng nakatira malapit dito at para na rin sa mga bukirin na kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.
#####
Article by Police Executive Master Sergeant Anabel Cacayan