Dahil sa pananalasa ng bagyong Maring sa probinsya ng La Union, agad na nagsagawa ng BARANGAYanihan ang Bangar Police Station sa pamumuno ni PMaj Antonio M Dasalla Jr, OIC at sa pangangasiwa ni PCol Jonathan G Calixto, PD, La Union PPO sa kanilang nasasakupan, sa bayan ng Bangar na isa sa naapektuhan ng nagdaang bagyo noong ika-14 ng Oktubre, 2021.
Ang mga kasama sa naturang aktibidad ay sina Hon Joy P Merin, Mayor ng Bangar; miyembro ng Philippine Navy, Philippine Army at Coastguard at ng GMA 7 Kapuso Foundation na pinangunahan ang pamamahagi ng mga relief goods para sa mga residente ng Sitio Pudoc, Brgy Mindoro; Barangay Alzate, Barangay Consuegra, Barangay Ma Cristina at Barangay Gen Prim na kanila namang lubos na ipinagpasalamat.
Ito ay bahagi pa rin ng programang BARANGAYanihan ng Pambansang Pulisya na layuning makatulong at magbigay kasiyahan sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo at ng kasalukuyang pandemya.
#####
Article by RPCADU 1