Patuloy ang pag-arangkada ng BARANGAYANihan sa rehiyon Cordillera hindi lamang sa mga iba’t ibang barangay kundi maging sa iba’t ibang paaralan at buong pamayanan na nasasakupan nito.
Kamakailan nga ay nagsagawa ang 1st Ifugao Provincial Mobile Force Company (1st IPMFC) sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Cesar D. Mallong, Force Commander sa pakikipag-ugnayan sa 54th Infantry Battalion Philippine Army, Barangay Officials at mga guro ng Ahin Elementary School sa Ahin, Tinoc, Ifugao kung saan sila ay namahagi ng food packs, school supplies at hygiene kits sa mga senior citizens, may kapansanan o PWDs at mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Bukod pa rito, nagsagawa rin sila ng lecture patungkol sa Republic Act 9262 o Violence against Women and their Children (VAWC), parlor games kung saan sila ay nagbigay ng cash prizes sa mga nanalo at pack lunch sa lahat ng mga naging kalahok.
Ayon kay PLtCol Mallong, ang naturang aktibidad ay kaugnay pa rin ng programa ng Pambansang Pulisya na Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan towards National Recovery at ng ‘Dumanon Makitontong project’ ng Cordillera PNP sa pangunguna ni PBGen Ronald Lee.
#####
Panulat ni: Police Corporal Amyl Cacliong
Tatak PNP
May puso at malasakit
Salamat po PNP
Pusong PNP, mapagmahal sa kapwa. Maraming salamat sa tuloy-tuloy na biyaya. God bless you slways✨?✨
May malasakit sa kapwa, alagang PNP, AlagangCarlos. God Bless PNP, Mbuhay po kayo