Isa na namang magandang serbisyo ang nagawa ng ating mga kapulisan sa Rehiyon ng Ilokos.
Nagsagawa ng Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery ang mga tauhan ng Salcedo MPS sa pangunguna ni PLt Mark Bryan P Corpuz, OIC ng Salcedo MPS, kasama ang ibang mga ahensya ng gobyerno noong Oktubre 23, 2021 sa bayan ng Salcedo, Ilocos Sur.
Kasama sa nasabing programa ang LGU ng Salcedo sa pamumuno ni Hon. Leopoldo G Gironella, Mayor ng Salcedo; MSWD at ng Women Sector Advocacy Support Group sa pangunguna ni Ms Mary Ann DG Farol.
Namahagi ang grupo ng mga grocery packs, bigas, flyers para sa Anti Criminality at COVID 19 at serbisyong medikal para sa mga residente ng nasabing lugar.
Tinatayang may 20 pamilya ang nabigyan ng tulong sa nasabing programa na labis na ikinatuwa at pinagpasalamat ng mga residente sa mga natanggap nilang biyaya mula sa kapulisan at sa lokal na pamahalaan.
Ang gawaing ito ay may layuning ipaalam ang mga programa at serbisyo ng ating pamahalaan hanggang sa pinakamaliit na barangay. Ito ay para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na sa panahon ng pandemya katuwang pa din ang pambansang pulisya.
#####
Article by Police Executive Master Sergeant Annabell Cacayan