Asipulo, Ifugao (December 22, 2021) – Nagsagawa ng BARANGAYanihan ang mga kapulisan sa Ifugao sa pangunguna ni Police Lieutenant Gregorio J. Buyayo, Company Commander ng 1st Ifugao Mobile Force Company sa Brgy. Liwon, Asipulo, Ifugao noong Disyembre 22, 2021.
Labis ang tuwa ng 128 na mag-aaral ng Liwon Elementary School at 58 na residente na may kapansanan dahil nabiyayaan sila ng iba’t ibang gamit sa paaralan, tsinelas at payong na ipinamahagi ng mga kapulisan ng 1st IPMFC.
Maliban dito, nagsagawa din ng information drive ang mga tauhan ng 1st IPMFC tungkol sa Anti-Terorismo upang iparating sa komunidad ang mga mapanlinlang na propaganda at taktika ng teroristang CPP-NPA-NDF at binigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.
Gayundin, tinalakay ang mga mahahalagang probisyon ng Republic Act 9262 o Violence against Women and their Children (VAWC) na tumutuon sa mga kaparusahan ng paglabag sa nasabing Republic Act at sa negatibong epekto sa kinabukasan ng isang pamilya na itinuturing na pangunahing yunit ng lipunan.
Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay dahil sa pinagsamang pagsisikap at pakikipag-uganayan ng 1st IPMFC sa mga opisyal ng Barangay at mga guro ng Liwon Elementary School, Liwon, Asipulo, Ifugao.
#####
Panulat ni: Police Staff Sergeant Amyl Cacliong
Tatak PNP
Serbisyong Totoo