Matagumpay na naisagawa ang The Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan towards National Recovery sa Camp Bagong Diwa Hinirang Multi-Purpose Hall sa Taguig City kung saan nasaksihan ang pag babalik-loob at panunumpa ng mga dating miyembro ng Teroristang Grupo na pinamunuan ni PMGen Vicente D Danao Jr, Regional Director, NCRPO noong Nobyembre 30, 2021.
Panauhing pandangal sa ginawang programa si USEC Lorraine Marie T Badoy ng Presidential Communications Operation Office na tagapagsalita ng NTF-ELCAC.
Pinangunahan naman ni Police Colonel Julius Suriben, Chief, RCADD ang pag-oorganisa sa nasabing programa.
Naging parte ng aktibidad ang iba’t ibang local na ahensya ng gobyerno tulad ng DOLE, TESDA, Philippine Red Cross at JFT-NCR.
Ang San Miguel Corporation ay nag bahagi din ng kaalaman ukol sa pag nenegosyo na makakatulong sa kanila.
Sa hanay naman ng kapulisan, ang Health Service sa pangunguna ni Police Lieutenant Richard Mojica na nagbigay bakuna tulad ng COVID-19 Vaccine at libreng FLU vaccine sa mga miyembro na di pa nababakunahan, kasama din ang Legal Service, Civil Security Group at Highway Patrol Group na nag bigay kaalaman tungkol sa Traffic Rules na pinamunuan ni Police Colonel Alan A Ladra, Regional Chief, RHPU-NCR.
Kasama din sa akitibidad ang pagsisindi ng kandila habang kinakanta ang kantang “Bayan ko” at ang pagpapalipad ng kalapati na sumisimbolo sa kalayaan, pag-ibig at kapayapaan. Bahagi din nito ang pagsunog sa bandila ng Kadamay, Gabriela, Communist Party at NDF.
Serbisyong TAMA: TApat, tapang at may MAlasakit para sa mamamayan.
####
Panulat ni: Police Corporal Remelin M Gargantos
Good job PNP
Great Job PNP
Tatak PNP Serbisyong May Puso
Kudos PNP???